- Weekly Volts of Happiness
- Posts
- Tulong sa 8-to-5 Employees with CF South 2
Tulong sa 8-to-5 Employees with CF South 2
You will help spread the good, not COVID-19.
Hi, .
Kung ikaw ay EMPLEYADO NA SINABIHAN NG EMPLOYER NA MAG-WORK-FROM-HOME dahil sa Enhanced Community Quarantine from March 15 to April 14:
Lahat tayo ay dumadaan sa isang sitwasyon na wala pang nakaranas - EVER. Ibang istorya ang COVID-19 sa SARS, sa Martial Law, at sa mga World Wars.
Sa unang pagkakataon, inilagay sa Enhanced Community Quarantine ang buong Metro Manila para hindi na kumalat ang virus.
Dahil dito, pwedeng sinabihan kang mag-work-from-home ng boss mo.
Tatapatin na kita: Kung inaakala mo na madali lang mag-trabaho sa bahay, NAGKAKAMALI KA.
Marami kang dapat i-consider - at hindi lang ang mga anak mo ang tinutukoy ko.
Pero may sasabihin ako sa iyo: NAIINTINDIHAN KITA.
Me and my friends want to help you setup para makapag-trabaho ka ng maayos sa bahay mo.
Sama na sa “How To Work From Home Without Sacrificing The Sacredness of Home” sa Wednesday, March 18, 2020, 8:00 PM via Facebook Live at YouTube Live Stream.
ONLINE ito. Ang kailangan lang ay computer o mobile phone na naka-connect sa Internet.
Alam ko na maraming distractions sa loob ng bahay. Pero sa pamamagitan ng disiplina, respeto sa pamilya, at pananagutan sa trabaho ko, nagagawa kong makapag-trabaho nang hindi ako natutuksong manood ng TV o Netflix, o matulog buong araw.
Kung kaya ko, kaya mo. Kasi sa totoo lang, wala kang choice.
At sa tingin ko, mas importante sa iyong maging ligtas kesa sa isugal ang sarili mo at magkasakit.
Stay tuned sa Facebook Live at YouTube Live Stream bukas ng 8:00 PM.
Paano kung working online ka na?
Help me spread the word.Let's do FIVE OF FIVE.If you forward this to at least FIVE PEOPLE that you know are 8-to-5 employees (and even business owners) that are affected by the enhanced community quarantine, FIVE OF YOU will get a chance to:1. Get inside ANY of the upcoming SMASH Saturday Sessions (choose one topic).2. Thirty-minute mentoring call with me on March 30 to 31 (we'll schedule this via Zoom).Here's what you need to do:1. FORWARD this email to five people.2. REPLY with a screenshot of the forwarded emails.
Let's spread the good, not the virus.
You’re exceptional,
Ann KristineNuclear Power Plant of Happiness