The truth is, you think you have time.

The truth is, you think you have time.

Dinala namin ang Papa ko sa emergency room last week.May hernia kasi s'ya. Alam na namin noon pa. Pero ayaw n'yang magpa-opera."Bakit pa ako magpapa-opera, mamamatay na rin lang naman ako?" 'Yan ang palagi n'yang sinasabi.To be brutally honest, it is true.My Papa is terminally ill.And at 81, to subject him under the knife is risky.On the road, I was telling myself, "Eto na ba 'yun?"Mahilig kumain ang Papa ko. Ang dami ko nang napa-try na pagkain sa kanya. I thought of the last food he wanted to eat. He wanted to try McDonald's Choco Sundae with Hot Fudge.Naisip ko din ulit, hindi ko napasyal abroad ang Papa ko. Kahit man lang sa Hong Kong. Kahit sabihin n'ya na "Disneyland, meh. Eh cartoon lahat ng 'yan," ok lang.Ang daming sana na naisip ko.Sana mas marami pang oras.Pero kung wala na, sabi ko, "Lord, alam mo na walang anumang libro o kurso na pwedeng makapagpahanda sa akin. Ikaw lang. Kung hanggang dito na lang kami, alam ko hahawakan Mo kami. Alam mo kung gaano ako nagpapasalamat para kay Papa."Nakauwi din kami kinagabihan. Sabi ng ER doctor, hindi pa emergency case ang Papa ko. Ibig sabihin, kung magiging maayos ang lab tests n'ya, pwede s'yang mag-clearance at mamili ng operation schedule.Ayun, pag-uwi, hindi na masakit ang hernia n'ya. Tulog na tulog.Sana ganu'n palagi, ano? 'Yung akala mo wala na pero merong pang oras.I am grateful for the many second chances I had in life. It allowed me to look at life differently.But what if the time is up?Gaano karami ang oras na sinayang mo sa pagdududa mo sa kaya mong gawin; sa pagsasabi mo sa pamilya mo na "babawi ako next time", sa mga pagkakataong magkaroon ng mentor pero mahal tapos ang strikto pa?Where did you put all those hard work hours that you're supposed to log in?The thing is, you think you have time. 

You’re exceptional,

Ann Kristine A. PeñaredondoYour friendly Nuclear Bomb of Happiness