What is your intention?

Nazareno 2020

Hi, .

I was creating content for one of my clients last month when I decided to watch the end of the Traslacion of the Black Nazarene. Ang forecast ko kasi, 8 pm matatapos ang prusisyon.

I was watching the YouTube live stream of ABS-CBN. But then, they were having technical problems. So I switched to GMA's coverage.

What I saw made me uncomfortable: the camera was zooming in not on the Black Nazarene as it nears Plaza Miranda.

It zoomed in on the fights between the police and the devotees

When I went back to ABS-CBN, ibang area ng Plaza Miranda ang camera angle. Pero ganu'n din ang eksena: nagkakasakitan ang mga pulis at mga deboto.

I got disturbed. This was not my intention why I wanted to watch the live stream.

Good thing, I found TV Maria's YouTube video live stream. I stayed on their coverage until it stopped. Isa lang ang focus nila: 'yung Black Nazarene lang. Nakita ko ang imahen na nakapasok ng simbahan at naibaba sa andas. Nakita ko din kung paano nagyakapan ang mga hijos; tuwang-tuwa sila kasi nakaraos sila.

I am not saying I do not want to see and admit that there were misunderstandings and altercations and accidents during the Black Nazarene procession. (Sos, kelan ba wala?) Yes, there were misunderstandings, altercations, and accidents. Hopefully, ma-improve s'ya next year.

Pero ano ba ang intention ko sa panonood?

Ang gusto ko, makita ang Nazareno na makabalik ng maaga at maayos.

'Yun din ang gusto mo di ba?

Gusto mo'ng mag-resign at mag-work from home kasi hindi mo na nakakausap ang asawa at anak mo.

Gusto mo’ng matuto ng social media or copywriting para makapag-demand ka ng mataas na rate.

Gusto mo’ng hindi mo na harapin ang EDSA habang nakikipagsiksikan ka sa dyip o bus.

Gusto mo ng maayos na buhay.

Gusto mo nasa mall ka kahit weekday kasama ang pamilya mo.

Gusto mo ng mas maraming client.

Gusto mo 7:00 am ka gigising.

Let me ask you this question: Kung gusto mo ng maayos na buhay, bakit ka nagpo-focus sa mga bagay na pwedeng mangyari pero ayaw mo?

Here’s what I learned from the Planning Workshop that I organized last month: Sabi ni T. Harv Eker, “Where your attention goes, energy flows.”

Nalaman ko ‘yan sa isa sa participants ko. Yes, natuto din ako sa sarili kong workshop.

Mabalik tayo sa iyo.

Hindi naman madali tumalon from where you are to where you want to be. I have my own story to tell about that and I can share it with you the whole day.

Kaya ko nga isinulat ang Small is BIG. I wrote in the book how small things broke the big wall in front of me. Kasi alam kong pader din ang gigibain mo.

But if your WHY is solid as a rock, no one and nothing will stop you.

You’re exceptional,

Ann KristineNuclear Power Plant of HappinessP.S.: Your WHY could be your INTENTION. Bakit mo ginagawa ang ginagawa mo ngayon?